June 6, 2019 – 12:00am
MANILA, Philippines — Pinababawi na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga distributors ang mga natukoy na brands ng suka na gumamit ng pekeng acetic acid.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nagpadala na sila ng liham sa mga supermarkets at iba pang distributors na tanggalin na sa merkado ang mga brands ng suka na tinukoy ng Food and Drugs Administration (FDA).
Sinabi ni Lopez na karaniwan din namang nagkukusa na ang mga supermarkets at groceries na tanggalin sa kanilang establisimyento ang mga kuwestyonableng produkto.
Una rito, inihayag ng FDA na nakitaan nila ng synthetic acid ang sumusunod na brands ng suka: Surebuy Cane Vinegar na best before December 3, 2021; Tentay Pinoy Style Vinegar na best before March 18, 2021; Tentay Premium Vinegar; Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.
Agad namang kumilos ang mga kumpanyang nagmamay-ari sa naturang mga brand ng suka at tinanggal na sa merkado ang kanilang produkto.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/06/06/1924062/mga-pekeng-suka-pinapatanggal-ng-dti#idkKTQjFt5xX1s63.99