General

Mga planong paguwi mula Tokyo sa papalapit na Obon Yasumi, hinihiling na iwasan muna dahil sa isyu ng hawahan

May naitalang 360 na kaso ng hawahan ang nakumpirma ngayong araw August 6 sa Tokyo. Dahil sa stress na dulot nito sa karamihan, may mga iba’t ibang hakbang ng isinasagawa upang mapigilan muna pansamantala ang mga tangkang paguwi ng mga pamilya sa mga probinsya mula Tokyo sa papalapit na Obon Yasumi tulad ng nakaugalian upang makapiling ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga magulang, at mga lolo o lola. Ang Aichi Prefecture ay nag-isyu na ng sariling emergency declaration simula ngayong araw.

Pahayag ni Governor Omura ng Aichi Prefeture: ” Paki-iwasan muna ang mga hindi mahahalagang lakad o paglalakbay patawid ng ibang prefecture. Kung nais ninyong umuwi sa paparating na Obon Yasumi, isipin ninyong mabuti ulit lalo na sa panahong ito na laganap ang muling pagkalat ng impeksyon sa iba’t ibang lugar.”

Nauna ng hiniling na pansamantalang magsara muna o bawasan ang business hours ng mga family restaurants, at iba pang kumpanya bilang hakbang na maiwasan ang patuloy na mabilis na pagkalat ng isyu ng hawahan. Kahit sa Okinawa ngayon ay mabilis na ring tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo.

Pahayag naman ni Governor Tamaki ng Okinawa Prefecture: “Batid naming maraming mga pamilya ang umaasang makapiling ang kanilang mga malalayong mahal sa buhay sa nalalapit na Obon Yasumi, ngunit sa ganitong sitwasyon, mas makakabuti na iwasan na muna at posibleng ito pa ay maging daan na mas lalong kumalat ang kaso ng hawahan.” Nagsimula na kahapon ang pakiusap sa mga mamamayan sa buong Okinawa na magstay at home na muna.

Humiling din si Governor Oigawa ng Ibaraki Prefecture  na kung maaari ay iwasan na muna ang paglabas-labas at pagpasyal kasama na ang mga tangkang paguwi mula sa Tokyo.

https://youtu.be/dDja3XIdW_4

Source: ANN NEWS

To Top