Mga Taong May Intellectual Disabilities sa Isang Facility sa Northern Japan, Paulit ulit na Inaabuso
Ang mga Staff member sa isang care facility para sa mga taong may intellectual disabilities sa Hokkaido, hilagang Japan, ay napag alamang paulit-ulit na inabuso ang mga residente sa pagitan ng Mayo at Hunyo ngayong taon.
Ang operator ng pasilidad sa Nishiokoppe Village ay isiniwalat ang pang-aabuso nitong Martes.
Sinasabi nito na ang mga opisyal ng village at ang prefecture ay nagsimulang magtanong sa mga facility staff at sinuri ang mga kuha ng surveillance camera matapos silang makatanggap ng ulat ng pang-aabuso noong Hunyo.
Kinumpirma ng mga opisyal na anim na male workers ang sangkot sa 38 kaso ng physical and mental abuse sa 13 lalaking residente.
Kasama sa mga mapang-abusong gawain ang pag-iiwan ng mga hubad na residente na walang nag-aalaga sa mahabang panahon, pagpilit sa mga residente na kumain ng mga pagkaing nalaglag, at pilit na inililipat ang mga bahagi ng katawan ng mga gumagamit ng wheelchair na naninigas.
Inamin umano ng anim na manggagawa sa kanilang pang-aabuso sa mga residente.
Ipinaliwanag ng facility ang mga detalye ng pang-aabuso sa pamilya ng mga residente sa isang pulong noong Linggo.
Plano ng operator na magsagawa ng parusa laban sa anim na lalaki. Plano din nitong magtayo ng komite kabilang ang mga lawyer at academics upang imbestigahan ang sanhi ng pang-aabuso, gayundin ang pag-aaral ng mga preventive measure.