General

Mga tips para sa pag-iwas sa coronavirus infection

PAG-IINGAT SA CORONA VIRUS (COVID-19)
REMINDERS SA PAGHAWAK SA PALIGID:
1. Wag makipag handshake (wag kang mahiya mag-sabi na wala muna, sa totoo lang ayaw din ng kausap mo sa kamayan kaya wag kana mag-alok).
2. Buksan lahat ng pinto sa opisina para bawas hawak sa metal objects.
3. Gamitin ang siko or ballpen para pindutin ang elevator at buksan ang mga pinto.
4. Magsuot ng damit na may bulsa at magdala palagi ng maliit na bote ng alcohol or any liquid disinfectant.
5. ilagay ang alcohol sa bulsa at wag sa bag, dapat mabilis bunutin ang alcohol buong araw.
REMINDERS SA PAGHAWAK SA MUKHA:
1. Wag hawakan ang mata, ilong, bibig at buhok sa mukha kahit kailan
2. Talian ang buhok na palaging nasa mata, magsuot ng sumbrero or gupitin pag hindi mo mapigilan ang iyong sarili na humawak sa buhok.
3. Mag hugas ng kamay pag kailangan hawakan ang mukha
4. Gamitin ang balikat pag kailangan kamutin ang ilong at noo.
5. Tiisin ang kati ng ilong, wala pang namatay dahil hindi nakamot ang ilong.
REMINDERS SA PAGKAIN:
1. No sharing of food
2. Wag mag-salita sa lamesa ng iba (in short walang kwentuhan muna)
3. Wag bumili ng pagkain pag-walang mask ang nag prepare ng food
4. mas magandang mag-baon nalang para sigurado na walang contact sa ibang tao yung papasok sa katawan mo
5. Gumamit ng tumbler na may takip para sa tubig
6. Huwag mahiyang sabihin sa mga restaurant na wag mag-salita sa ibabaw ng pagkain mo
7. i-demand sa mga waiters na mag-salita malayo sa pagkain mo.
REMINDERS SA PAG-GALA
1. Hanga’t maari, mag-lakad sa labas habang may araw at wag sa loob ng mall.
2. Yung sikat ng araw may ultra-violet rays na mabilis pumatay ng kahit anong virus na naka-dapo sayo.
3. Hindi mo kailangan maligo ng alcohol sa opisina, bilad lang ng konti sa araw para mamatay ang lahat ng uri ng virus sa buhok, damit at katawan.
4. Piliin palagi ang pag-lalakad kung pwede kaysa mag-commute sa aircon katabi ibang tao.
5. Maligo pag-uwi at mag-palit ng damit.
6. Bawasan ang mga kain sa labas dahil madali makapasok ang virus sa loob ng katawan pag natalsikan ng laway ang pagkain.
REMINDERS SA MGA KAIBIGIGAN AT KAMAG-ANAK
1. Hindi porket best friend mo hindi tina-tablan ng corona virus
2. Hindi porket boss mo hindi na nahahawa sa virus
3. Hindi porket kamag-anak mo hindi pwedeng hawaan ang mga anak mo
4. Kahit sino pwedeng may bitbit na corona virus kaya nga may quarantine period na 14 to 23 days kasi hindi masasabi na ang isang masiglang tao may bitbit na virus na pala sa katawan.
REMINDERS SA PAG-TRABAHO
1. Mas piliin ang tumawag sa telepono, mag text or chat kaysa puntahan at kausapin.
2. Wag hawakan ang gamit ng ibang tao
3. Mag lagay ng alcohol sa tabi buong araw, iba pa yung alcohol sa bulsa
4. Wag isara ang pinto ng conference rooms
5. Wag mahiyang magsuot ng mask sa mga meetings
6. Mag-tiklop ng tissue sa loob ng mask at palaging palitan ang tissue para hindi bumaho ang mask agad at masuot mo mag-hapon.
7. Mag-alcohol or mag-hugas bago mo adjust ang iyong mask
HULING MINDSET AT PAALALA SA CORONA VIRUS:
1. itrato na parang gera ang mga panahon na ito
2. Respetuhin ang kalaban dahil ito ay invisible, at kahit ang taong maraming baril, security at maraming pera walang kalaban-laban dito, paano pa kaya tayo na simpleng tao lamang.
3. Wag kang papayag na gagamitin ka ng virus na sasakyan para makarating sa pamilya mo
4. unahin ang safety mo hindi para sa sarili pero para sa mga anak at magulang mo na nag hihintay sa bahay.
5. Sanayin ang sarili sa lahat ng pag-iingat para pag dating ng totoong outbreak sanay ka na at ang iyong pamilya sa kung ano ang tama at mali.
6. Wag mahiya umiwas at tumangi sa mga pag-titipon. Hindi naman normal ang sitwasyon ngayon, lahat ng pag-iingat maiintindihan yan ng ibang tao.
7. Wag pakumpyansa, i-ready ang sarili kung sakali aabot ng buwan or taon ang pagsubok sa mundo.
8. Kausapin gabi-gabi ang iyong pamilya para masanay sa pag-hahanda.
9. Huwag umasa sa iba, dapat ngayon palang malinaw na sa inyong pamilya ang lahat ng sitwasyon at lahat ng pwedeng solusyon.
10. Pag-aralan ang China at ibang bansa, kung ano ang nang-yayari doon posibleng mangyari din dito. Pina-pakita na sa atin ang mga kamalian sa prevention at pati ang mga diskarte para mag survive sa gitna ng kaguluhan.
WAG SAYANGIN ANG ORAS,
Wag maging ignorante at wag maging kumpyansado, wala kang matutulungan na may sakit pag may-sakit ka rin!
Wag natin sayangin ang mga oras na ito, mas maswerte parin tayo kumpara sa ibang bansa.
1. Wag sayangin ang oras,
Sanayin ang pamilya paulit-ulit sa kung ano ang tama at mali araw araw at mag usap gabi gabi.
2. Wag sayangin ang oras,
Kumpletuhin ang mga gamit sa bahay at sa pang araw araw ng buong pamilya
3. Wag sayangin ang oras,
Mag-aral at magsalik-sik lahat ng impormasyon sa nangyari at mangyayari pa nasa internet na lahat.
Corona Virus man or hindi, magandang pagkakataon ito para matuto at mabawasan ang iba pang sakit sa pamilya at bahay.
ISAMA PALAGI ANG GAWA SA LAHAT NG DASAL,
Sabi nga nila sa army, “STAY ALERT, STAY ALIVE”
CTTO: Facebook
To Top