General

MHLW: 400Milyon na pirasong mask dadalhin sa Hokkaido

Hiniling ng Ministry of Health, Labor and Welfare sa mga manufacturers at distributors na maglabas ng 4 na milyong piraso ng masks ngayong linggo dahil sa kakulangan ng supply sa publiko gawa ng mabilis na pagkalat ng coronavirus sa bansa. Bilang tugon mula sa mga local na sangay ng gobyerno, ang request na masks ng MHLW ay unang dadalhin sa Hokkaido dahil sa emergency situation ng mga residente doon.  Dahil sa mga naunang napaulat sa sitwasyon ng mga apektado doon sa Kitami City unang idedeliver ang mga nasabing masks. Inaasahan na maihahanda ang 4 na milyong piraso na kayang macover-up ang may 64,000 na household locals. Nais rin ipatupad ng gobyerno ang article 26 of Emergency Measures Law, kung saan maaaring makulong ng maximum 5 taon o kaya naman ay multa ng hindi lalagpas sa 3Milyong yen ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng mga masks na ito sa mas mataas na halaga o higit pa.

Pinagiisipan rin ng gobyernong mag-angkat ng cloth mask mula sa ibang bansa at ipamigay naman ito sa mga lugar na may high risk ng pagkakahawa tulad na lang ng mga pasilidad para sa mga matatanda o home for the aged.

 

https://youtu.be/2CsaSZuZjgU

Source: FNN News

To Top