News

Michiko turns 92 and enjoys a quiet life

Nagdiwang ng ika-92 kaarawan si Empress Emerita Michiko noong Oktubre 20. Nananatiling matatag ang kanyang kalusugan at payapa ang mga araw niya kasama si Emperor Emeritus Akihito, ayon sa Imperial Household Agency.

Mas madali na siyang mapagod at mas maikli na ang kanyang nilalakad, ngunit namamasyal pa rin siya kasama si Akihito. Nag-eehersisyo rin siya nang magaan. Walang nakitang komplikasyon mula nang mabali ang kanang femur niya dalawang taon na ang nakalipas.

May bahagya siyang lagnat tuwing hapon at nananatiling mataas sa normal ang BNP levels. Dahil sa matinding init ngayong tag-init, kinansela ng mag-asawa ang nakasanayan nilang bakasyon sa Nasu at Karuizawa.

SOURCE: Asahi Shimbun /  LARAWAN: Provided by the Imperial Household Agency
To Top