Middle East crisis: Fuel supply may take months to normalize
Nagbabala noong Miyerkules (ika-8) ang Director-General ng International Air Transport Association (IATA) na si Willie Walsh na maaaring abutin ng ilang buwan bago tuluyang bumalik sa normal ang suplay ng aviation fuel, kahit pa muling buksan ng Iran ang Strait of Hormuz.
Ang pagsasara ng naturang ruta ay nagdulot ng pagkagambala sa pandaigdigang suplay. Mahigit sa doble ang itinaas ng presyo ng jet fuel mula nang magsimula ang sigalot, na mas mataas pa kaysa sa 50% na pagtaas ng crude oil.
Inihalintulad ni Walsh ang krisis sa panahon matapos ang 9/11, kung saan umabot ng apat na buwan ang recovery, at sa recession noong 2008-09 na tumagal ng hanggang 12 buwan ang epekto—ngunit sinabi niyang hindi ito maihahambing sa pandemya.
Matapos ang anunsyo ng ceasefire ni Trump, tumaas ang presyo ng stocks ng mga airline sa Asia. Umakyat ng 9% ang Qantas at 10% naman ang IndiGo. Itinuro rin ang India at Nigeria bilang mga alternatibong lugar para sa refining ng fuel.
Source: Kyodo
