Mie: Bears threaten residents in Owase
Naglabas ang Mie Prefecture ng unang bear alert ngayong taon para sa lungsod ng Owase at bayan ng Kihoku matapos ang sunod-sunod na sightings ng mga oso noong Mayo.
Noong Mayo 6, isang residente ang nakakita ng dumi ng oso sa kabundukan, humigit-kumulang 700 metro mula sa isang residential area. Pagkalipas ng ilang araw, noong Mayo 10, isang hayop na pinaniniwalaang oso ang tumawid sa National Route 42 habang may isang motorista na bumibiyahe papuntang Kumano.
Dahil tatlong sightings na ang naitala noong 2025 at lumampas na sa itinakdang limitasyon ng lalawigan, opisyal na inilabas ang alerto at mananatiling epektibo hanggang Hulyo 10. Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na huwag mag-iwan ng pagkain o tira-tirang pagkain malapit sa kanilang bahay at, sakaling makakita ng oso, dahan-dahang umatras nang hindi itinatalikod ang sarili sa hayop.
Source: Chukyo TV News
