Noong nakaraang taon, maraming mga Pilipino ang nabuhayan ng loob ng ibalita sa mga pahayagan at telebisyon na milyun-milyong mga trabaho sa Japan ang naghihintay sa kanila para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.
Ayon sa Japan Human Resources Institute, mayroong humigit kumulang na 12 milyong job vacancies ang inilunsad sa kabila ng istriktong immigration policies sa kanilang bansa. Ito ay tiniyak ng Japanese government na sila ay nangangailangan ng mga manggagawa na mula sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Ang pinaka-pangunahinng dahilan nito ay ang kanilang aging population.
Kaugnay nito, ang Japan ay may mga bakanteng posisyon para sa mga sumusunod:
- Construction workers
- Factory workers
- English tutors
- at mga tauhan sa mga hotels at restaurants
Requisites
Para sa mga gustong makipagsapalaran,ito ang inyong mga dapat gawin:
Upang maging bahagi ng workforce ng Japan, ang isang OFW ay:
- Dapat sumailalim sa training o pagsasanay
- Mag-aral ng salitang Hapon, maging ang kanilang kultura
- Kumpletuhin ang application process na nakasalalay sa kanilang talents o mga kapasidad
Samantala, si Kazuo Miyura, ang pangulo ng Japan Human Resources Institute ay muling ipinaalala na sinuman sa mga aplikante ang makakapasa sa lahat ng requirements ay makakakuha ng pribilehiyo na “No Placement Policy” mula sa pamahalaang Hapon.
Mayroon din naming mga ibang uri ng trabaho para sa mga Pinoy na mas madali kaysa sa mga naunang nabanggit. Ito ay ang mga sumusunod:
- dishwasher
- domestic helper
- driver
- skill related work
Subalit, kailangang matiyaga sila sa paghahanap ng trabaho na babagay sa kanila.
Legitimate Job Sites in Japan
Kung nais ninyong magtagumpay sa buhay, ito ang ilan sa mga Japanese job sites na dapat ninyong basahin. Ito ay mga legitimate websites na maaaring bisitahin.
Sipag, diskarte, pasensya at pananalig sa Diyos ang dapat taglayin upang ang alinman sa mga trabahong ito sa Japan ay makamit.
Image credit: ABS-CBN News