Culture

Minamahal na mga magulang ng mga kabataang nasa pagitan ng edad na 13-20

Minamahal na mga magulang ng mga kabataang nasa pagitan ng edad na 13-20,

Nakahanda na ba ang mga plano para sa hinaharap ng inyong mga anak, alam niyo ba kung nahihirapan silang alamin ito?
Dahil nakatira sila sa loob ng dalawang kultura sa bahay at paaralan, ang pagpaplano at pag-pili para sa kanilang hinaharap ay maaaring maging isang kumplikadong proseso. Ang mga paaralan sa Japan ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga workshop na makakatulong sa pagplano ng kanilang mga pangarap sa hinaharap ngunit ang mga workshop na ito ay madalas na hindi nabibilang ang mga plano para sa mga may maraming pinagmulang kultura. Ang kawalan ng suporta at impormasyon na ito ay maaaring maging dahilan sa mga bata na bumuo ng mababang kumpiyansa sa kanilang mga sarili dahil hindi nila napagtanto ang mga posibilidad sa kanilang hinaharap.

Iyon ang dahilan kung bakit nagpasya kaming magsagawa ng isang survey upang matulungan kaming pag-aralan ang mga bagay kung saan nahihirapan intindihin at iba pang pangangailangan ng mga batang ito, upang matulungan kaming lumikha ng isang mas pinabuting kapaligiran para sa mga batang nagmula sa iba’t ibang kultura. Kung mayroon kang mga anak na nasa pagitan ng edad na 13-20 maaari mo bang hilingin sa kanila na makipagtulungang sagutin ang survey na ito, sa pamamagitan ng QR code na ibinigay sa ibaba.

Salamat sa iyong oras at kooperasyon.

Ang aming samahan ay nagbibigay ng dalawang araw na empowerment camp para sa mga kabataan. Kung ang mga pumupuno sa survey ay nais na maging bahagi ng empowerment na camp na ito, ang survey ay magsisilbing isang aplikasyon, ang mga dadalo ay pipiliin nang random pick para sa kampo ngayong taon (ang camp ay nagkakahalaga ng 2000 yen bawat isa). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa empowerment camp na ito, mangyaring bisitahin ang aming website. https://itsme.camp/

Mga Survey:
Japanese: https://forms.gle/p43XRiwreCoee1X49
English: https://forms.gle/Dorj5v7ajrBktb7y9

To Top