News

MOD ng Japan: Naglunsad ang N.Korea ng Ballistic Missile

Sinabi ng MOD ng Japan na nagpaputok ang North Korea ng ballistic missile patungong silangan bandang tanghali nitong Miyerkules.
Sinabi ng mga opisyal na ang projectile ay inilunsad mula sa isang lokasyon malapit sa kanlurang baybayin ng North Korea sa 12:02 pm
Tinataya nilang lumipad ito ng humigit-kumulang 500 kilometro na may pinakamataas na taas na humigit-kumulang 800 kilometro. Sinasabi nila na ito ay lumilitaw na nahulog sa Dagat ng Japan, sa baybayin ng east side ng North Korea, at sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.
Walang naiulat na pinsala sa mga sasakyang panghimpapawid o sasakyang pandagat ng Japan.Ang North Korea ay nagpaputok ng projectiles ng 13 beses ngayong taon, kabilang ang sinabi nitong pagsubok sa isang cruise missile system.
Ang MOD ng Japan ay nasa high alert, at patuloy na sinusuri ang sitwasyon.

To Top