Alamin kung ano nga ba ang wonder herb na ito!
Viral ngayon sa social media ang recipe netong natural home remedy pampaganda at pangpabawas ng timbang.Totoo nga ba kayang nakakapayat ito? Sa dami ng nagshare at mga komento sa mga pages ng topic trending na ito. Mukhang positibo naman umano ang feedback at ayon sa ilan ay mas bumuti ang kanilang pakiramdam. Alamin kung ano nga ba ang tinaguriang Miracle herb na ito.
Ang Parsley ay isa sa mga sikat na spices na ginagamit hindi lang bilang disenyo sa pagkain sa isang sosyal na restaurant o di kaya naman ay pampalasa sa pagkain, kundi dahil na rin sa taglay nitong health boosting effect at mabisang diuretic. Mabisa umano itong makagamot sa mga taong nakakaranas ng urinary tract infections (UTI) o di kaya naman ay sa iba pang kidney-related health issues. Mabisa umano ang parsley para sa mga ganitong karamdaman dahil pinipigilan nito ang pagimbak ng tubig sa katawan o ang tinatawag na water retention.
Ang parsley tea na inirerekomenda ng ilang heath gurus ay sikat sakabuuan ng Balkans, Ano pang hinihintay ninyo? Subukan ninyo ang galing ng recipe na ito na hindi lang magpapalakas ng Urinary tract function, kundi pati na rin mailabas ang sobrang tubig sa katawan na nagiging dahilan ng manas o kadalasan ay napagkakamalang taba sa katawan.
Napakasimple lamang ng procedures para sa paghahanda nito:
Ingredients:
-
5 kutsara ng chopped parsley leaves
-
1 Litrong tubig
Paraan ng paghahanda:
-
Umpisahan sa pagdadagdag ng ginayat na dahon ng parsley sa 1 litrong kumukulong tubig.
-
Alisin sa apoy at palamigin sa loob ng 20 minuto pagkatapos ay salaing mabuti at inumin!
Dahil ito ay isang mabisang diuretic, ag parsley ay nakakatulong para maflush out at mailabas sa katawan ang mga toxins, bakterya at iba pang foreign substances na nakakasama sa ating pangangatawan. Ito rin ay maituturing na natural na anti-oxidant na makakabawas sa epekto ng free radicals kung kaya’t maaaring makatulong itong makabawas sa posibilidad na pagdedevelop ng sakit na kanser.
ctto: google for images
#Japnoy #Japinonet
You must be logged in to post a comment.