Mister Donut Ice Cream Bar bagong flavor sa mga convenient stores
Ang isa sa pinakamalaking donut chain sa Japan, kadalasan ang inilalabas na bagong item ng Mister Donut ay mga bagong designs o flavor ng kanilang donut tulad ng Calpis o kaya Pokemon.
Pero sa pagkakataong ito, kakaiba ang produktong hinango mula rito. Isang outside food producer ang nagbase sa sikat na flavor ng donut chain na ito.
Upang kilalanin ang papalapit na ika-50 anibersaryo ng Mister Donut, isang major Japanese food producer Morinaga ang gumawa ng Mister Donut Ice cream bar at inilabas ito sa merkado sa abot-kayang halaga na 150 yen bawat isa.
Ang flavor ay hinango sa best-selling flavor ng Mister Donut na Angel cream, ito ang donut na nababalutan ng powdered sugar, at may filling na sweet whipped cream.
Ano nga ba ang itsura ng Ice cream bar na ito: Mukha lang itong plain vanilla flavor kung titignan ngunit ang lasa nito ay tulad ng sa whipped cream kaya good news ito sa mga mahihilig sa whipped cream! Nababalutan ng chocolate na may halong “langue-de-chat” ( “cat’s tongue cookies” ) at donut flavored chips, parang tulad lang ng sa normal na chocolate chips pero lasang donut.
Base sa description, kung iisipin ano nga ba ang espesyal dito? Para lang siyang normal na ice cream pero kung matitikman nyo ang bagong flavor na ito para na din kayong kumain ng donut in ice cream form. Ang coating nito ay katulad ng lasa ng outer coating ng angel cream donut.
Despite the fancy description we were still expecting more or less a standard ice cream and chocolate snack. But the first bite was a total surprise, the ice cream’s taste was much more like the fluffy filling of a donut.
Pinagbuti talaga ng Morinaga ang paglikha sa produktong ito . Nakalabas na sa merkado ang item na ito at mabibili sa mga convenience stores nationwide sa Japan.
Source: Japan Today