Misteryosong tawag mula sa “+83 at +422” Scam?
Ito ay isang kwento tungkol sa mga pumapasok na tawag sa mga mobile phones sa Japan na dapat mong malaman. Ngayong buwan, ang bilang ng mga tawag mula sa non-existent international phone numbers sa mga mobile phones sa Japan ay mabilis na tumataas. Ano ang pakay ng misteryosong numero na ito? Ang Japan ay +81. Ang South Korea ay +82. Ang Tsina ay +86. Tulad ng alam mo, ito ang code ng bansa para sa mga internasyonal na tawag. Kaya saan galing ang +83? Sa katunayan, ang +83 at +422 ay mga numero na hindi pa nagagamit sa anumang bansa. Gayunpaman, naging malinaw na may tumatawag gamit ang mga numerong ito. Ayon sa Tobila Systems, na nakikipagtulungan sa pulisya upang harapin ang mga nakakabahalang phonecalls mula sa numerong ito, ang bilang ay lumampas na sa 40,000 ngayong buwan ng Setyembre. Sa Lungsod ng Akita, noong ika-10, isang lalaki na nasa 40-anyos at nagpakilalang miyembro raw ng embahada ng Tsino ang tumatawag sa mga nabibiktima ng ganito. Pahayag ng lalaki na nagsasabing empleyado raw umano siya ng embahada ng China: “May isang malaking bilang ng mga pera at mga mask na hindi dapat maipadala sa Tsina kung saan kasama ang iyong pangalan at numero ng telepono ay naipadala.” Doon magpapakilala ang isang babae na nag-sasabing empleyado umano sya ng Ministri ng Seguridad ng Publiko ng Tsino at sasabihin nitong: “Kailangan magbayad ng pera upang malutas ang problema at ito ay nasa kabuuang 4.11 milyong yen”.
Ganito pangkaraniwan ang ginagamit nilang senaryo upang makapanloko at makakuha ng pera sa mga mapapaniwalang biktima.
Ang isang babaeng Intsik na naninirahan sa Tokyo ay nakatanggap din ng tawag mula sa isang lalaking nagke-claim na empleyado raw ito ng embahada. Ang code ng bansa ay wala talagang +88. Ngunit pinaniwalaan pa rin niya ito. Ayon sa naretrieve na recorded message (telepono na nag-aangking empleyado raw ng embahada): “Abiso mula sa embahada ng Tsino. Mayroon kaming mga dokumento na naka-address sa iyo. Nauugnay ito sa iyong katayuan sa paninirahan. Mangyaring makipag-ugnay sa amin kaagad. ”
Ang mga taong nababahala ay nagsasagawa na ng hakbang upang masugpo ang ganitong kalakaran noon pa man,Gayunpaman, ang mga kahina-hinalang tawag ay wala pa ring katapusan. Mahalaga rin na huwag tumawag muli sa mga hindi kilalang numero. Sa ibang bansa, ang ilang mga kumpanya ng telepono ay naniningil ng mga singil sa pagtawag kahit na hindi ka makakonekta sa kabilang partido. Kung kaya’t ibayong pag-iingat ang payo para sa lahat na huwag basta basta tumatanggap ng tawag mula sa mga hindi kilala at kahina-hinalang numero.