Ang Mitsubishi Corporation ay ipinagpatuloy ang kanilang mini-car production ngayong Hulyo 2016. Matatandaang ang nabanggit na proyekto ay panandaliang hininto sa kanilang pangunahing planta sa Mizushima na matatagpuan sa Kurashiki, Okayama Prefecture. Ito ay dahil sa isang kontrobersyal na isyu hinggil sa diumano’y pinekeng mileage figures noong Abril.
Gayun din, ang mini-car production resumption ay isa sa pinakamabisang paraan upang maibsan ang mga business pressures sa bahagi ng parts suppliers at ang malawakang dealership strategies ng mga ito. Subalit ang kinasangkutang economic and business dilemma ng Mitsubishi ay nagdulot ng malaking epekto sa kanilang overall sales production. Bunga nito, ang Mizushima plant ay sinasabing muling bubuksan sa ilalim ng kategoryang pre-crisis levels.
Mitsubishi Corporation
Bago ang di inaasahang suliraning ito, ang Mitsubishi Corporation ay sumikat sa metikolosong paggawa ng eK Wagon, eK Space, Dayz and Dayz Roox.
Samantala, sa kabuuang bilang na 3,600 ng manggagawa, inabisuhan ang 1,300 na katao na pansamantalang manatili sa kanilang tahanan habang ang kapalaran ng mini car production ay wala pang tiyak na patutunguhan sa larangan ng kumplikadong industriya ng car manufacturing sa bansang Japan.
Mitsubishi Motors Mini Cars
Ayon sa ulat, ang mga mini cars na ito ay mayroong mga makabagong sports engines na hindi hihigit sa 660 centimeters. Kaya naman, ang mga gumawa nito ay sinasabing tunay na kakaiba ang mga sasakyang ito lalo na sa kanilang bansa.
Ang government tax breaks ng mga mini cars ay may kaugnayan naman sa fuel economy policies ng bansa. Ngunit inaasahan na ng Mitsubishi ang pagkakaroon ng group net loss na tinatayang aabot sa 145 bilyong yen sa pagtatapos ng fiscal year sa Marso 2017.
Anuman ang kapalarang haharapin ng Mitsubishi Corporation, lubos ang paniniwala ng kumpanya na malalagpasan nila ito. Handa na ba kayong sumabay sa ikot at hamon ng modernisasyon ng sayang hatid ng mga mini cars na ito?
image source: japantimes.co.jp