Sa ulat na inilathala ng Japan Times, inaprubahan ng government medical council ang mahabang listahan ng mga makabuluhang pagbabago ukol sa mga medical fees at pharmacies na nakasaad sa public health insurance program. Ang bagong healthcare system ay naglalayong bawasan ang pag-aaksaya at pag-ibayuhin ang pagpapabilis ng serbisyo medikal, maging ng mga community based healthcare at bawasan ang mga fees ng medical professionals lalo’t higit ang bayad ng mga pasyente sa nasabing bansa. Read on para sa iba pang mga pagbabago sa modern healthcare system of Japan.
Sa ilalim ng bagong healthcare system ng Japan, ang lahat ng residente ay kailangang sumali sa isang public health insurance scheme. Kapag ang bawat mamamayan ay nakatugon sa batas na ito, sila ay makatatanggap ng medical assistance na inaprubahan ng gobyerno tulad ng mga medical prescriptions at mga procedures na may kaugnayan sa pagpapabuti ng kalusugan.
How it Benefits Citizens
Paano ba nakatitipid ang isang pasyente sa ganitong uri ng medical program?
Ayon sa modern healthcare system of Japan, halos 30% lamang ng kabuuang bayarin ang dapat na ibigay sa ospital kung saan nagpaggamot ang isang pasyente. Nagbabago ang price ranges ng mga medical expenses na ito matapos na aprubahan ng gobyerno tuwing ikalawang taon.
Nakapaloob rin dito ang isang komprehensibong community care system na kung saan tataasan ang sahod ng mga doktor na nakahandang maglingkod sa mga pasyente na malalayo sa ospital sa pamamagitan ng home visitation. Dahil sa sistemang ito, layunin ng Japanese government na tuluyang sugpuin ang bed blocking inpatient care sa pamamagitan ng isang outpatient care method na personalized at punung-puno ng pagmamahal.
Sa mga dementia specialists, ang kanilang professional fees ay itataas, gayun din ang pediatricians na regular ang appointments sa kanilang mga pasyente.