Culture

Modernong Kimono Rocks!

modernong kimono

Ang rock and roll ay laging kaakibat ng pagiging cool o “in” samantalang ang kimono naman ay kilala sa pagiging tradisyonal at makaluma. Kaya’t paano na lamang kung pagsasamahin natin ang dalawa?

Sa katatapos lamang na Japan Fashion Week na ginanap sa Tokyo, ibinida ni fashion designer Jotaro Saito ang ilang disenyo na nakabase sa porma ng kimono subalit nilagyan ng rock and roll at makabagong twist. Sa halip na silk, ang mga ibinidang kimono ay yari sa jersey, wool, at denim. Sabi ni Saito sa pakikipag-panayam sa Japan Today na ang kimono ay fashion at hindi ito dapat ipinapakita na old-fashioned. Nais nyang maging komportable ang pagsusuot nito at hindai parang isang costume.

modernong kimono

credit: sina.com

Ang kanyang pananaw ay nararapat lamang sapagkat ang kimono ay may literal na kahulugang “something to wear” kung kayat malawak ang sakop nito noong unang panahon at tumutukoy sa lahat ng uri ng kasuotang pambabae o panlalake sa sinaunang Nippon. Nawala ang kasikatan ng kasuotang ito nung 1800s dahil sa pagdating ng impluwensya ng western na pananamit. Ngayon, ito ay kilala na lamang sa kasuotang may kasamang panlabas na pangaroba o bata na tinatalian ng isang sash na kung tawagin at obi.

Patuloy na nawala ang pagiging natural na kasuotan ng kimono dahil sa kamahalan nito. Mayroon pa ring nakikitang nagsusuot nito sa kasalukuyan subalit karamihan ay sinusuot na lamang ang kimono tuwing may espesyal na okasyon. Maliban sa presyo, mahirap ding isuot ang kimono.

Si Saito, na lumaki sa isang pamilyang may hanapbuhay sa kimono, ay nais na pigilan ang patuloy na paghina ng interes sa kimono sa pamamagitan ng makabagong mga disenyo. Kanyang ibinida ang koleksyon ng modernong kimono kasama ni Yoshiki, ang isa sa mga miyembro ng rock band na X-Japan.

Ang iba pang mga designer na pabor sa modernong kimono ay sina Souta Yamaguchi at Beniko Kinoshita.

Source

To Top