BAGONG BATAS NA MAGPAPAPASOK SA JAPAN NG 500,000
FOREIGN WORKERS HANGGANG SA YEAR 2025
●Nag-announce noong May 29 ang gobyerno ng Japan tungkol sa bagong draft ng batas ukol sa pagpasok ng foreign workers sa Japan. Ang batas na ito ay tinaguriang malaking policy shift sa pagtanggap ng forein workers dahil: 1.magkakaroon na ng visa status para sa lower-skilled workers 2.magiging mababa pa ang requirement ukol sa Japanese proficiency.
●Ang bagong policy na ito ay isinagawa upang luwagan ang requirements para sa foreign works dahilan na rin sa pagkakaroon ng labor shortage sa iba’t ibang industry sa Japan.
●Sa June pa malalaman ang detalye ng mga pagbabago ayon sa batas na ito. Samatala, ang mga sumusunod ay maisasama sa mga pagbabago: 1. Ang mga technical trainees na makakatapos ng kanilang training by April 2019 ay hahayaang mag-extend sa Japan ng extra five years. 2. ang mga indutries na maisasailalim sa batas na ito: construction, agriculture, lodging/hospitality, nursing care, and shipbuilding.
●Ang foreign workers sa Japan ay umabot na sa record 1.28 Million nuong October 2017.
●Ang mga Filipino technical trainees naman ay umabot na sa 23,000 workers sa 2016.
●Ang bagong batas na ito ay magbibigay-daan sa pagpasok ng mahigit 500,000 workers hanggang sa year 2025.
●Source: Nikkei Shinbun, May 29, 2018
By: Jean Nakahashi