MT. FUJI: Pilahan na sa Pag-akyat?
Upang maiwasan ang pagsiksikan at aksidente, ang mga climbers sa Mt. Fuji nitong summer ay papakiusapan na huminto at maghintay sa baba kapag maraming tao na umaakyat sa taas.
Ang bagong regulation na ito ay isasagawa ng Yamanashi Prefecture mula August 11 hanggang September 10 sa mga lugar sa taas ng Yoshida Trail, 5th Station (na nasa Yamanashi side). Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na babawasan ang dami ng tao na pwedeng umakyat sa bundok.
Tinatalang 83,000 visitors na ang umakyat sa Mt. Fuji noong August 8, 2023. Itong bilang na ito ay katulad sa 2019 na bilang ng visitors noong bago nagsimula ang COVID-19 Pandemic.
(ADDED INFO: hindi applicable ang rule ng Yamanashi Prefecture sa ibang routes ng Mt. Fuji tulad ng Gotemba, Shibashiri at Fujinomiya Trails na sakop ng Shizuoka Prefecture)
Source: ASAHI SHIMBUN AUGUST 10, 2023
https://www.asahi.com/ajw/articles/14978598