By
Posted on
Ngayong nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law, madalas nating makalimutan ang dahilan sa pagsasabatas nito – ang mahahabang pila sa mga bigasang bayan, ang pagsirit ng presyo nito sa mga pamilihan, at ang walang habas na pagpuslit ng smuggled na bigas sa ating mga pantalan.
Ngayon, 35% ang ipapataw na taripa sa bawat bigas na aangkatin ng sinumang mangangalakal o negosyanteng papasok sa importasyon. Napakalaking kaibahan sa 0% tariff na kumakatawan sa subsidiya ng estado sa mga pag-aangkat na isinagawa noon ng NFA upang punan at tugunan ang kakulangan ng supply ng bigas sa mga pamilihan.
Inaasahan din ang mga sumusunod na resulta ng batas na ito: Dapat puno ang mga bodega, maraming supply ng bigas sa mga pamilihan, walang makikitang pila sa mga bigasang bayan, matatag at mababa ang presyuhan, walang limitasyon sa dami ng maaaring bilhin, walang mangyayaring pagrarasyon sa mga mamimili. Higit sa lahat ng ito, walang Pilipinong magugutom sa ilalim ng kasalukuyang pangasiwaan.
Source:ABANTE TNT