General

Mutant virus mas mataas ang death rate

Inilabas ng mga mananaliksik ng isang unibersidad sa United Kingdom ang kanilang natuklasan tungkol sa new coronavirus mutant virus na nadiskubre sa kanilang bansa na ito umano ay may mas mataas ang mga malalang kaso at namamatay kaysa sa naunang coronavirus type. Simula Oktubre noong nakaraang taon hanggang Pebrero ngayong taon, ang research team mula sa University of Exter sa UK ay nagsagawa ng follow up survey sa mga pasyente na nasa edad 30’s pataas na kumpirmadong positibo sa new coronavirus test. Ang resulta, 141 sa 55,000 kataong positibo sa naunang type ng covid ang namatay samantalang 227 naman ang sa mutant virus sa parehong bilang ng mga positibo, mas mataas ng 1.6%. Sinasabing ang mutant virus ay 70% na mas nakakahawa kaysa sa regular nacovid virus, kung kaya’t pinagiingat ang lahat mula sa mutant virus at hindi dapat ito ipagsa-walang bahala.

https://youtu.be/_00P44G9N-g

To Top