General

Mutant Virus ” Philippines Variant” kumpirmado mula sa 1 lalaking dumating sa Narita

Ang Ministry of Health, Labor and Welfare ay nag-anunsyo na isang lalaki na dumating sa Narita Airport noong ika-25 ng nakaraang buwan ay positibo sa “mutant virus” na nauna ng naiulat sa Pilipinas. Ang nasabing lalaki ay nasa edad 60’s at may history ng paglalage sa pilipinas ngunit “asymptomatic” o walang anumang ipinapakitang sintomas. Ito ang kauna-unahang kasong kinumpirma sa Japan. Sa Tokushima Prefecture naman ay may naiulat ding kaso ng “mutant type” mula sa 73 na napili sa mga positibong kaso, 9 rito ang nakumpirmang positibo sa British mutant type virus. Ngunit wala sa sinuman rito ang may history ng paglalakbay abroad at nakalabas na ng ospital. 7 kaso din ng mutant virus ang naiulat sa Osaka at lahat ito ay UK Variant.

Nalalapit na rin ang panahon ng Cherry Blossom Viewing, at ito na ang pangalawang beses sa panahon ng pandemya. Inaasahan na magiging maingat ang lahat kung sakali man na ang mga mamayan ay nais pa ring ipagpatuloy ang nakagawiang tradisyon. Ipagpatuloy pa rin ang safety protocols, social distancing at disinfection  para na rin sa ikabubuti ng lahat.

https://youtu.be/TzLebzcrQVA

Source: ANN NEWS

To Top