My number card bilang Health Insurance Card, ipinagpaliban
Ang pag-gamit ng My Number Card bilang health insurance card ay pansamantalang ipinagpaliban. Sa katapusan ng buwan na ito, ang Ministry of Health, Labor and Welfare ay planong umpisahan sana ang full-scale operation ng “online qualification confirmation system” kung saan ay pwede ng magamit ang My number card bilang insurance card sa mga medical institutions at pharmacies nationwide. Bago pa dito, may mga ilan ng medical institutions na sinubukan na ang trial operation sa pag-gamit nito ngunit may mga ibang problemang nakita sa pag-gamit nito tulad na lang halimbawa ng patient information na hindi umano nakikita lahat sa system dahil sa ilang pagkakamali sa paglalagay sa subscriber information. Sa kadahilanang ito, nagdesisyun ang Ministry of Health, Labor and Welfare na ipagpaliban muna ang pag-gamit rito. Paguusapan pa sa ika-26 ng Marso sa isang pagpupulong kung saan dadalo ang mga eksperto at insurance associations.
Source: ANN NEWS