General

My Number System (All You Need to Know)

My Number System

Alam ba ninyo na may bagong banking and remittance systems ang Japan? Ito ay ang tinatawag na My Number System. Ito ay kapareho ng Social Security Card System ng Estados Unidos. Ito ay may kakayahang pag isahin ang  mga administrative procedures at ang mga proseso ukol sa pagbubuwis  at social security ng mga mamamayan. Makakatulong rin ito upang maiwasan ang tax evasion at ang welfare benefit fraud. Ang mga foreign nationals sa  bansa ay pinagkakalooban ng kani-kanilang 12-digit identification number, gayundin ang mga lokal na populasyon ng bansa bunsad ng patakarang ito.

Ang My Number System ay mayroong mga notifications sa katapusan ng bawat taon. Ipinapadala ito ng munisipiyo sa mga nasasakupan nitong  mga mamamayan. Samantala, maaari rin namang gumawa nito para magsilbing identification card.  Bagamat ito ay maraming benipisyo para  sa lahat, ang pagkakaroon nito ay hindi compulsory.  Ang inyong identification number ay di puwedeng malaman ng ibang tao.

My Number System at ang Domestic Banking System ng Japan

Sa kasalukuyan, ang sistemang ito ay hindi pa kunektado sa domestic banking system of Japan. Maaaring ito ay magagawa sa taong 2018 pa. Ngunit, hindi kasama rito ang mga overseas remittance.  Sa kabilang dako, ang pagsama ng domestic accounts sa prosesong ito ay hindi compulsory kundi arbitrary. May mga remittance centers na kailangan nito tulad halimbawa ng GoRemit service.

Paano Nagkaroon ng My Number System sa Japan?

Ang polisiyang ito ay naaayon sa isang batas na kung tawagin ay Act on Submission of Overseas Wire Transfers for Purpose of Securing Proper Domestic Taxation. Ayon sa batas na ito,

“Specifically, when a customer wants to send money overseas, we are now obliged to ask for proof of their name, address and individual number (i.e., My Number), or a corporate number, to complete the transaction in line with Article 3 of the act.”

GoRemit Services

Sa sinumang gusto magkaroon ng panibagong GoRemit services, kailangan nilang isama ang kanilang My Number info sa mga pertinent requirements. Subalit ang mga gumagamit ng mga naturang serbisyo bago mag  December 31 noong isang taon ay dapat magpasa ng iba pang mga impormasyon.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa My  Number System, bisitahin ang link na ito. http://www.nta.go.jp/shiraberu/zeiho-kaishaku/tsutatsu/kobetsu/hotei/kaisei/150701/index.htm

To Top