Mynumber card magagamit na bilang health insurance card simula October 20
Sa ika-10 at ika-11 gaganapin ang isang event kung saan ipapakita ang pag-gamit ng my number bilang health insurance card sa pagpasok ng digitization era. Kapag ang pasyente ay inilagay ang mynumber card sa isang device machine na babasa ng mga impormasyon sa isang institusyong medikal, gagana rin ang isang face recognition option upang maberepika ang pagkakakilanlan ng tao at ng nasa card upang mabuksan ng mga doktor ang iba pang mga impormasyon tulad na lang ng mga gamot na naireseta sa pasyente at pati na ang mga resulta ng health examinations nito. Ang sistemang ito na nagpapahintulot na magamit ang Individual Number Card bilang health insurance card upang magamit ng mga institusyong medikal at parmasya ay magiging bukas sa publiko nationwide mula ika-20 ng buwang ito. Itinalaga ng Digital Agency ang Oktubre 10 at 11, na binubuo ng 0 at 1 na ginamit sa notasyong binary, bilang “Digital Day” ng taong ito, at nagtataguyod ng digitization.
https://www.youtube.com/watch?v=4d3so_-Qfv0
Source: ANN NEWS