General

N.Korean Ballistic Missile, Pinaniniwalaang Lumapag sa Karagatan, sa Labas ng EEZ

Sinabi ng mga source ng gobyerno ng Japan na pinaniniwalaang nag-land sa karagatan ang isang ballistic missile na pinaputok ng North Korea nitong Miyerkules. Nauna nang sinabi ng defense ministry na inaasahang mahuhulog ang missile sa Sea of ​​Japan, sa labas ng exclusive economic zone ng bansa, bandang 11:13 am Japan time. Sinabi ng Tokyo na nagsampa ito ng protesta.

North Korea’s actions, including repeated launches of ballistic missiles, threaten the peace and security of Japan, the region, and the international community,” sabi ng Japanese chief Cabinet Secretary na si Matsuno Hirokazu. “They are unacceptable.”
Sinabi ni Matsuno na walang mga ulat ng anumang pinsala.

Sinabi ng defense ministry na nagpaputok ang North Korea ng hindi bababa sa isang ballistic missile bandang 10 am

Inutusan ni Prime Minister Kishida Fumio ang gobyerno na mangalap ng higit pang impormasyon tungkol sa paglulunsad at ibigay ito sa publiko sa lalong madaling panahon.

Sinabi ng militar ng South Korea na naglunsad ang North ng maaaring isang long-range ballistic missile patungo sa Dagat ng Japan mula sa lugar sa paligid ng Pyongyang.

Ito ang ika-12 beses ngayong taon na naglunsad ang North Korea ng maaaring ballistic missile o projectile gamit ang ballistic missile technology. Ang huling paglulunsad ng missile ay noong ika-15 ng Hunyo.

To Top