NADISKRIMINA ang mga Ruso sa Japan
Nadiskrimina ang mga Ruso sa Japan
Sa lalawigan ng Chiba, mag-inang Ruso, kung saan ito nag ma may-ari ng restaurant ay inaatake sa SNS ng mga mensaheng may diskriminasyon.
Ang Matriosca restaurant, na pinamamahalaan ng mag-inang Anastasia (40) at anak na si Diana (20), ay nag-aalala sa maliit na 2-taong-gulang na si Aria tungkol sa posibleng trauma na maaaring idulot kung tumaas ang galit sa mga Ruso.
Iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng mga mensaheng galit at may diskriminasyon sa loob ng 14 na taon ng paninirahan sa Japan, sabi ng anak na babae na si Diana, ang ina ni Aria.
Ang mga mensahe tulad ng, “-Umalis ka sa Japan” “Ang iyong bansa ay nakakahiya ” ay lumabas sa kanilang social media kasama ang pagsulong ng militar ng Russia sa Ukraine.
Nag-aalok ang restaurant ng trabaho sa mga Ukrainian refugee at ang anak na babae na si Diana ay nag-ulat na nakatanggap na siya ng konsultasyon mula sa 10 refugee.
https://www.youtube.com/watch?v=KWZ95CbdQkw
Pinagmulan: TBS News