NAGASHIMA SPALAND STEEL DRAGON: Stranded at 100 meters!
Nagkaroon ng power outage (brownout) noong Monday sa Nagashima Spaland Amusement Park na naging dahilan ng pagtigil ng Steel Dragon 2000 roller coaster sa taas na 100 meters. Sinasabing 23 passengers daw ang na-stranded ng 12 minutes sa itaas. Wala namang nasaktan o sumama ang pakiramdam dahil sa insidente na ito.
Nagkaroon daw ng lightning strike sa Kuwana kung saan maaaring ito ang dahilan ng power outage. Bumalik naman kaagad ang power after 5 minutes.
YUMIURI SHIMBUN September 19, 2023
https://japannews.yomiuri.co.jp/society/general-news/20230919-137452/