Business

Nagkunwaring pulis na nagnakaw ng 70 Lapad sa isang golf store, Arestado!

Isang 30-anyos na lalaki ang naaresto sa kasong pagnanakaw kung saan sya ay nagkunwaring pulis at nanloob sa isang golf good store sa Saitama city. 70 Lapad ang nakuha sa nasabing store. Ang salarin ay nagngangalang Mr. Takeho Nakamura, walang trabaho. Paniniwala ng mga pulis maaaring tinutukan nito ang bantay ng tindahan na nasa edad 44-anyos ng isang patalim sa loob ng isang gold equipment store sa Urawa-ku, Saitama City noong nakaraang buwan. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, pumasok ang suspek sa loob ng tindahan at nagpanggap na isang pulis, natagpuan naman ang nasabing uniform sa bahay nito. Nang tanungin ang suspek tungkol sa krimen, sagot nito: ” Kailangan kasi marami kang pera eh.” at inako rin nito ang krimen.

Source: ANN News

To Top