General

Nagoya castle pansamantalang isinara na sa publiko

Ang castle tower ng Nagoya castle ay isinara na kagabi May 6, 2018 at inaasahang mananatili itong sarado sa loob ng 4 at 1/2 taon para sa isasagawang wooden frame restoration upang mapreserve pa ito ng mas matagal.
Ang castle tower ng Nagoya Castle ay una ng nirebuild gamit ang Steel reinforced concrete noong 1959 dahil nasunog ang ilang bahagi nito sa pamamagitan ng air raids. 60 na taon na ang nakalipas simula noon kung kaya’t isinagawa na muli ang pagrerestore nito sa original na kahoy na frame nito para mas maging resistant ito sa lindol.

“Huling araw na kasi ng Nagoya castle kaya pinilit talaga naming mabisita ito at makita sa kahuli-hulihang pagkakataon bago muling isara at ayusin” ayon sa isang turista.

Inaasahang matatapos ang restoration ng Nagoya castle sa buwan ng Disyembre taong 2022.

https://www.youtube.com/watch?v=djstuBfh804

Source: ANN News

Nagoya castle pansamantalang isinara na sa publiko
To Top