General

NAGOYA CITY: FILIPINA ARRESTED FOR STABBING

NAGOYA CITY – Isang pinay ang naaresto noong ika-4 ng Hulyo dahil sa pananaksak nito sa kanyang nobyo.

Nakilala ang Pinay na si Fe Lauron-Nakamura, 37 taong gulang. Inaresto ang Pinay dahil sa “attempted murder” na isinampa ng kanyang kinakasama. Nangyari ang insidente sa ganap na 2:30am sa loob ng kanilang tirahan sa Aichi, Nagoya City Naka-ku. Sinaksak ng suspek ang biktima sa braso at bisig matapos salagin nito ang kutsilyo. Ligtas na ang kinakasama niyang lalaki matapos magtamo ng sugat.

Ayon sa report, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang biktima na naging dahilan ng pangyayari. Inamin naman ng suspek ang nagawang pananaksak sa biktima.

CREDITS TO THE ORIGINAL POSTER.

#Japinoy #Japinoy

 

To Top