General

Nanawagan si ATTY. GLENN CHONG sa mga OFW sa buong mundo March 30,2019 TOKYO

Ayun kay Atty. Glenn CHONG  ” Ako po humihingi ng  tulong sa inyo  dahil di ko naman po kaya itong labang na ito, Sana po patuloy tayo mag kasama nasa gilid ko po kayo, nasa likod ko po kayo upang ipanalo po natin Ang ating bansa , Ang ating sambayanan lalong lalo na ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Sana po ang ating mga kababayan mga OFW ay mag silbi ko  pong kamay upang makamayan ang mga Botanteng di ko na po makayang abutin  at sana po mag silbi kayong aking mga paa sa mga bayan na di ko na po mararating, Sana po mag silbi po kayong Boses ni “GLENN CHONG” upang marinig po nila ang mensahe na di ko na kaya abutin dahil kaunti na lang ang panahon at nag iisa lang po ako, Kaya po humihingi po ako sa inyo ng tulong sa ating mga kapatid na mga OFW’S ang tiwala po ninyo ay pag iigantan ko po at ang tulong po ninyo ay utang na loob ko po sa inyong lahat ,Susukli at susuklian  ko talaga  sa inyo sa Bayan.

Papakita ko talaga yan sa inyo minsan lang ako hihingi ng tulong sa inyo hindi ko po sasayangin yan, Hindi ko po sasayangin ang tiwala ninyo pag sinayang ko po isang beses lang po, Isang pag kakataun lang po, wala na po akong mukha ipapakita sa inyo. Kaya po ngayon humihiling po ako sa inyo ng tulong, Sana po mag kaisa po tayong lahat pong sambayanan Filipino.”

 

Ang susunod na bansa po na bibisitahin  ni ATTY. Glenn Chong ay sa sa MACAU ito na ang MEETING DE AVANCY, gaganapin ito bago mag simula ang overseas absentee voting ” Sana mag kikita po tayo sa APRIL 6 2019 sa MACAU at APRIL 7 sa HONGKONG muli maraming maraming Salamat po sa inyong lahat mga kababayan. FROM TOKYO !

By: Jhoanne Okada

 

Nanawagan si ATTY. GLENN CHONG sa mga OFW sa buong mundo March 30,2019 TOKYO
To Top