Inanunsyo ng Tokyo Metropolitan Police Department nitong Huwebes (19) ang pag-aresto sa tatlong Brazilian nationals, kabilang si Emerson Ruiz Perdomo, 46 anyos, residente ng Joso sa Ibaraki Prefecture, na pinaghihinalaang nagnakaw ng isang Toyota Land Cruiser na may anti-theft system. Hindi pa matukoy ang kinaroroonan ng naturang sasakyan.
Nakumpiska mula sa grupo ang isang “CAN Invader” device, na kayang pasukin at i-unlock ang electronic system ng sasakyan, kabilang ang mga updated na bersyon na inilagay ng Toyota noong 2023. Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng koneksyon ng mga suspek sa halos 50 pagnanakaw ng mga luxury vehicles na tinatayang nagkakahalaga ng ¥450 milyon, na naitala sa siyam na probinsya.
Nanatiling tikom ang bibig ni Emerson habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Source / Larawan: Mainichi Shimbun