General

Netizens, umalma sa ‘eksena’ nina Junjun at Abby Binay sa isang forum sa simbahan

Tila di napigilan ng magkapatid na Abby at Junjun Binay ang kani-kanilang mga damdamin sa sinagawang election forum ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa San Ildefonso Parish. Ginanap ito kahapon, Abril 27 kung saan nagkaroon ng tensyon sa magkatabi pa namang mayoral candidates ng makat city. Sapul sa video na binahagi sa tweet ni Kevin Manalo kung paano tumaas ang boses ng bawat isa at halos magwala di umano ang nakababatang kapatid ni Abby na si Junjun. Nag-umpisa umano ang lahat sa patutsadahan kung saan inakusahan ni Abby na nagpapakalat umano ng kasinungalingan ang kanyang kapatid tungkol sa kanya at sinabing di siya mananalo sa ganoong paraan. Nang bumalik siya sa upuan, tila kinausap nito ang nakababatang kapatid nang maya maya pa’y tumaas na rin ang boses nito, tumayo sa kanyang upuan at lumuhod habang bumabato pa ng mga salita sa kapatid. Ang kanilang ama na si dating VP Jejomar Binay na naroon din sa forum ay namagitan na sa away ng mga anak. Kinuha naman ni JunJun ang mikropono at pinahayag ito: “Alam mo ate Abby, nandito tayo. Pwede po katahimikan, pinandidilatan po ako ng kapatid ko. Bakit ko gagawin? Nagsasabi raw ako ng kasinungalingan. Ibang klase. Wala ako ginawa sa ’yo nandito tayo sa simbahan, ate, dapat may paggalang.” “O ayan lumalabas tunay na ugali. Walang respeto. Ako po ay humarap dito ng buong paggalang sa simbahan pero pangdidilatan ako ng mata ng kapatid ko. ’Yung ospital ng Makati hanggang ngayon hindi nagagawa” Dagdag pa nito. Labis na kinagulat ng mga naroon ang mga naganap lalo na ang nag-organisa nito. Natapos bandang alas-9 na ng gabi ang forum kung saan pinaalis na ng mga pulis ang nagkakagulo na ring mga tao sa loob pa naman ng simbahan.

Samantala, maging ang mga netizens ay umalma sa ginawang ito ng magkapatid. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: “Wow a political debate inside the church? Why the priest allowed to use the house of church on this kind of activity? And the attitudes that binay siblings are showing is already an indicator that neither one of them is deserve to be in the position. Vote wisely mga kapatid!” “You cant even solve family issues, what more sa Makati lol” “The fact that brother and sister r competing against each other speaks volume about what kind of family Binay really is…” “its not Politics that divided this family… its G R E E D… plain and simple” “It was supposedly covenant of peace forum but naging malansang fish ang nangangamoy sa forum. Greed 12 to the max.” ” I dont know, political exercises like this inside the church is sooo off? The church should really shy away from politics…” “The church is not the proper venue for a poll forum. I’m dismayed why the chaplain allowed this. It’s a place of worship. The fact alone that siblings are competing for the same position in a city gives an unfavorable impression on the public.” Read more: https://kami.com.ph/90372-netizens-umalma-sa-eksena-nina-junjun-at-abby-binay-sa-isang-forum-sa-simbahan.html#90372

Netizens, umalma sa ‘eksena’ nina Junjun at Abby Binay sa isang forum sa simbahan
To Top