New Release
Contactless Stick
Isang japanese toothpick factory ang naglabas noong april 28 ng isang espesyal na produktong naglalayong makaiwas sa patuloy na pagkalat ng coronavirus na tinawag nilang “contactless stick”.
Ang stick ay magagamit sa nga elevator buttons, beverage machine buttons, doorbell at anumang surface na ayaw mahawakan ng isang tao.
Ang produkto ay gawa sa special na Hokkaido wood na hindi pwedeng gamitin sa pag-gawa ng mga toothpicks dahil ito ay nasusunog.
Ang kumpanyang naglunsad nito ay ang Kikusui Sanguo, na naitayo 60 na taon na ang nakakaraan sa Osaka. Sa ngayon mayroon lamang 2 toothpick factories sa buong Japan at isa ang Kikusui doon.
Inaasahan ng kumpanya na malaki ang maitutulong ng kanilang produkto sa mga consumers at nais nilang maglabas pa ng iba’t ibang uri ng innovative products.
Ang package ay nagkakahalaga ng ¥568 na may nakakatawang phrase na: “ well, you can poke as much as you want”.
Source: Keisai Newspaper
You must be logged in to post a comment.