Food

NEW RELEASE: Pineapple Gelato

May panibagong seasonal flavors na ilalabas ang Häagen-Dazs Japan. Ito ang Creamy Gelato “Almond & Milk” at “Golden Pine & Mascarpone” available for a limited time only simula bukas.

Ang Creamy Gelato ng Häagen-Dazs ay creamy at may refreshing flavor na siguradong swak na swak para sa tag-init.
Ang “Almond & Milk” ay gawa sa gatas at almonds na siguradong panalo sa lasa.
Ang “Golden Pine & Mascarpone” flavor naman ay kombinasyon mula sa Golden type pineapple na pinakamatamis na variant ng mga pinya at creamy touch ng mascarpone.

Ang isang serving ay nagkakahalaga ng ¥ 295 at magiging available sa mga supermarkets at convenient stores simula bukas.
Source: Mognavi

To Top