General

NLEX may dagdag sa toll simula Marso 20

Magtataas ng toll ang North Luzon Expressway (NLEX) simula Marso 20, inanunsiyo ngayong Miyerkoles ng tagapangasiwa ng NLEX na Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

May P10 dagdag sa open system kung saan kasama ang Balintawak, Mindanao Avenue, Karuhatan, Valenzuela, Caloocan, at Meycauayan at Marilao sa Bulacan.

Magdadagdag naman ng P0.18 kada kilometro sa ilalim ng closed system mula Balintawak o Mindanao Avenue papuntang Santa Ines sa Mabalacat, Pampanga.

Para sa mga Class 1 o mga kotse, P10 ang dagdag sa toll sa open system at P22 naman sa end-to-end.

Sa mga Class 2 o mga maliliit na truck at bus, P23 ang dagdag sa open system at P56 naman sa end-to-end.

Ang mga Class 3 o iyong mga multi-axled truck naman ay magkakaroon ng P29 dagdag sa open system at P67 dagdag sa end-to-end.

Ayon pa sa MPTC, masusundan pa ang toll hike base sa napagkasunduan nila ng gobyerno.

“The charging will be done in tranches,” ani MPTC Vice President Romulo Quimbo.

Isa o dalawang taon pa raw ang aabutin bago ulit singilin ng NLEX ang natitirang toll hike.

Source*ABS-CBN

 

NLEX may dagdag sa toll simula Marso 20
To Top