Business

” No mask, No ride ” ipapatupad na sa 10 taxi operators sa Tokyo

Paghihigpit sa pagsusuot ng mask aprubado na. Inaprubahan na ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang sapilitang pagsusuot ng mask sa pagsakay sa nasa 10 taxi operators sa Tokyo. Kung ang pasahero ay hindi susunod sa alituntuning ito nang walang sapat na dahilan tulad ng anumang karamdaman sa pagsusuot nito, maaring baguhin ng operator ang rules nito upang matanggihang tanggapin ang pasahero sa pagsakay. Sa ngayon, ipinagbabawal pa lamang na pasakayin ang mga lasing na pasahero ngunit ang mga operator na sumusunod na sa bagong panukala ay pwede ng ipatupad ito. Sa taxi industry, ang mga driver ay nababahala sa mga pasherong hindi nagsusuot ng mask dahil sa panganib ng patuloy na pagkalat at hawahan ng coronavirus.

Source: ANN NEWS

To Top