General

Nosocomial infection: 2 nars nahawa ng virus mula sa pasyente

Dalawang pasyente ang naospital sa parehong silid sa isang institusyong medikal sa Toride City, Ibaraki Prefecture, nahawahan ang mga ito ng new coronavirus magkasunod. Ang dalawang nars na nag-asikaso sa mga pasyente ay mayroon ding mga sintomas ng lagnat at pinaghihinalaang may nosocomial infection. Shuzo Shintani, JA Totori General Medical Center: “Ang posibilidad ng impeksyon sa ospital ay mataas. Ang mga serbisyo ng outpatient / examination / emergency outpatient ay sinuspinde mula pa kagabi.” Napag-alaman na ang dalawang lalaki sa kanilang edad na 70’s na na-ospital sa parehong silid ay nahawahan ng new coronavirus. Ang dalawang nars ay mayroon ding mga sintomas ng lagnat at hinihinalang may nosocomial infection. Ang center ay may 28 na mga doktor at nars na naka-standby sa bahay, at tumigil muna sa pagrescue at outpatients simula noong ika-27.

Source: ANN News

To Top