General

Nurse sa Osaka pinagtrabaho pa rin kahit positibo na sa virus

Mayroong isang ospital sa Osaka na nagsabi umano sa isang nurse na magpatuloy na mag-trabaho kahit na ito ay naging positibo sa pag-susuri sa coronavirus, ito ang pahayag ng mga opisyal sa western Japanese city ng Osaka.

Nabasa umano ng mga opisyal ang isang tweet laban sa Namihaya Rehabilitation Center sa Osaka kung kaya’t nakarating ito sa kanilang kaalaman. Lunes raw ng makumpirmang positibo ang nasabing nurse. Ngunit sinabi umano ng ospital na ipag-patuloy ang trabahong overnight-shift na naka-schedule nuong araw na iyun, kahit na alam na nilang positibo ang naging resulta ng ginawang pag-susuri.

Ang nasabing pagamutan ay mayroong 126 na kaso ng coronavirus. Ang mga infected na pasyente ay naka-confine sa isang hiwalay na ward. Pahayag pa ng ospital, mga pasyenteng mayroong kumpirmadong sakit ng virus naman daw ang inalagaan ng nurse sa kanyang shift.

Dahilan ng ospital, wala silang makitang kapalit ng nurse sa oras na iyon kaya minabuti nalang nilang hayaan itong tapusin ang kanyang shift sa araw na iyon.

Nagpa-alala naman ang mga opisyales sa nasabing ospital ang hindi na dapat maulit pa ang ganitong insidente dahil lubhang mapanganib sa kalusugan ang ginawa nilang hakbang.

Source and image: NHK world Japan

To Top