Obon Bonfire event sa Aichi nauwi sa forest fire
Noong gabi ng August 15, may naganap na forest fire sa Shinshiro City, Aichi Prefecture. Pinaniniwalaang ang apoy na mula sa sulo or torch burning event sa dalisdis ng bundok ang pinagmulan ng sunog. Bandang alas 7 ng gabi, may natanggap na tawag sa 119 mula sa isang police officer na naroon din sa lugar ng mga oras na iyon at inireport na nasusunog nga ang lugar ng event sa Ichikawa, Shinshiro. Naapula ang apoy matapos ang 6 na oras, nasa 2700 square meter ng mga punong nakatayo sa kagubatan ang natupok ng apoy. Sa bundok kung saan naganap ang sunog, may obon bonfire event na tinatawag nilang “Nabezuru Manto” kung saan sinusunog ang mga torches upang makita ang hugis na semicircle na parng hawakan ng takure. Siguro isa sa mga torches dito ang malapit sa mga tuyong damo na siyang dahilan sa mabilis na pagkalat ng apoy. Taon-taon ay may mga bumberong nakaassign sa lugar ngunit sa pagkakataong ito ang ilang miyembro ay nakadestino sa ilang lugar dahil sa coronavirus prevention campaigns.
https://youtu.be/7OcPVea2Ru8
Source: ANN NEWS