Oita steps up inspections to ensure safe working conditions for foreign workers

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga dayuhang manggagawa, nagsagawa ng inspeksyon ang Oita Labor Bureau sa isang kumpanyang gumagawa ng barko sa lungsod ng Oita upang tiyakin na ang mga manggagawa ay nagtatrabaho sa ligtas na kapaligiran. Ang inspeksyon ay isinagawa bilang bahagi ng buwan ng pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa pagtatrabaho ng mga dayuhan.
Sa kumpanyang binisita, ang Minami Nihon Zosen, humigit-kumulang 176 Pilipino ang nagtatrabaho bilang mga technical trainees. Sinuri sa inspeksyon kung may sapat na hakbang laban sa heatstroke sa mga lugar ng welding at kung ang mga babalang palatandaan ay naka-translate sa Ingles at iba pang wikang maiintindihan ng mga dayuhan.
Ayon sa mga inspektor, walang nakitang iregularidad sa isinagawang pagsusuri.
Ipinahayag ng pinuno ng Oita Labor Bureau na layon nilang ipagpatuloy ang kampanya sa pagpapabuti ng kondisyon sa lugar ng trabaho at pagtitiyak ng patas na kalagayan para sa mga dayuhang manggagawa.
Source: TOS Online
