News

Okayama: Drowning Incident Part II

Okayama: Drowning Incident Part II

May 15,2016 sa Primary school ng kurashiki, natagpuan ang bangkay ng isang batang lalaki edad 4 anyos bandang alas 8:50 ng umaga sa pool ng nasabing eskwelahan. Itinawag ng ina ng bata ang pagkawala ng anak na kadalasang naghihintay ng kanyang sundo sa harapan ng kanilang eskwelahan. Matapos ang isang oras na paghahanap natagpuan ang bata ngunit wala ng buhay na nakalutang sa pool ng kanilang eskwelahan, iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng bata. Ngunit hinala ng mga ito, posibleng tumalon sa bakod ang bata na may 1.4 feet lamang ang taas at aksidenteng nahulog sa tubig kung kaya’t nalunod.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top