Okinawa: Suportado and GoTo Campaign, muling pagkalat ng impeksyon pinangangambahan
Sa Okinawa, kung saan mataas ang mga nakumpirmang bilang ng mga taong nahawahan ng impeksyon noong mga nakaraang buwan, pinangangambahan ang pagsusulong ng GoTo campaign dahil sa tourism demand. Muling kumakalat ang kaso ng hawahan nitong mga nakaraang linggo. Noong ika-28, 21 katao ang mga kasong nakumpirma. Sa karagdagan, napag-alamang isang lalaki nasa edad 50’s na nagmula sa Chiba prefecture ang pumasyal sa Okinawa upang magsight seeing noong July 27,2020 ay may severe pneumonia. Kumigit kumulang sa 10 Milyong tao ang bumibisita sa Okinawa Prefecture taon-taon at ang income na nalilikom mula rito ay nasa 700 billion yen. Ang Tourism Industry ang major na pinagmuulan ng income ng lugar, subalit patuloy na bumababa ang bilang ng turista simula noong nakaraang buwan, na nasa 140,000 lamang. Bumaba ng may 720,000 kumpara noong nakaraang taon sa parehong buwan. Nais nilang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng impeksyon ngunit, nais rin nilang manumbalik ang sigla ng turismo sa lugar sa pamamagitan ng GoTo Campaign. Bago Mag-Agosto kung saan ang bilang ng mga turista ay mataas, kinokonsidera ang hiling ng ” self-restraint sa Okinawa”. Ngunit nitong ika-28 ng buwang ito, pahayag ni Governor Tamaki ng Okinawa Prefecture: ” Ang hiling para sa pagbabawal na ipagpaliban ang pagtanggap ng mga turista sa lugar ay hindi ipapatupad sa ngayon.”
https://youtu.be/v0AmkORifJ0
Source: ANN News