Ang pamosong fashion statements ng Japan ay lalong nagiging matingkad sa makabagong panahon sapagkat ang mga kababaihan sa bansang ito ay lubhang apektado ng kanilang BMI o Body Mass Index, lalo na ang mga underweight women in Japan. Ito ay ang sukatan kung gaano kalusog ang isang tao. Sa ngayon, ang mga magagandang dilag sa Land of the Rising Sun ay nabibilang sa kategoryang underweight, lalo na ang age groups sa pagitan ng 30-50. Ito ay ayon kay Mari Suzuki, mula sa Japan Association for Eating Disorders.
Underweight Women in Japan
Bilang pagpapatunay, ito ang kanyang pahayag. “They see being thin as a desirable goal. Women are feeling pressure both from the media and from their peers to maintain a weight that may not be healthy.”
Isang survey ang isinagawa at dito napag-alaman na ang confidence level ng mga kababaihan ay apektado kung ang pag uusapan ay ang ang iba’t-ibang body images. Mayroon ring nagsasabi na ang payat o skinny physique ay isang indikasyon ng being healthy. Sa kabilang dako, ang mga matatabang babae ay lagi na lang tampulan ng tukso at derogatory remarks.
Ayon sa artikulo, ang matataba ay napagkakamlang tamad at di malusog ayon sa pananaw ng managers. Sa kadahilanang ito, ang struggle to fit in ay isa sa mga positibong solusyon ukol sa biased perspectives na ito. Sa Japan, bihirang magkaroon ng clothing sizes para sa mga matataba. Kaya naman, ang bansang ito ay hindi matatawag na paraiso para sa kanila.
Samantala, mayroon namang mga babae na ginawa ang lahat upang maging katanggap-tanggap sila sa Japan kahit na mataba ang kanilang pangangatawan. Healthy eating regimen ang kanilang napagtuunan ng pansin. Ang healthy eating habits nila ay ang pagkain ng iba’t-ibang gulay at small servings of food.
Anuman ang hitsura ng ating pangangatawan, ang mahalaga ay mayroon tayong magandang pag-uugali at malusog na pangangatawan.
You must be logged in to post a comment.