Online University classes sa Osaka Prefecture, planong ipatupad
Sa Osaka Prefecture, kung saan ang bilang ng covid infections ay lagpas na sa 1,000 katao sa loob na ng 2 magkakasunod na araw ay nagdesisyung humingi ng request na ang mga university classes ay gawing online classes pansamantala. Ang Kinki University sa Higashi-Osaka City, ay nagpatupad na ng policy na ipagpatuloy ang lahat ng klase ngayong taon ng “face to face” habang sinisiguro na sumusunod ang lahat sa tamang health protocol upang mapigilan ang lalong pagkalat ng infection. Ngunit ang prefecture ay gumawa ng request na gawing online pansamantala ang mga klase. May mga iba’t ibang concern ang mga estudyante at magulang sa ideyang ito.
https://youtu.be/7nxqYxwgzkg
Source: ANN News