Osaka Prefectural High School at Special Needs School mananatiling sarado hanggang sa susunod na buwan
Napagpasyahan ng Osaka Prefecture na i-extend ang school holidays ng Paaralan ng Prefectural High School hanggang sa Ika-6 ng susunod na buwan, huling araw ng Golden Week. Ang Osaka Prefecture Ay isinara ang Prefectural High School At Mga Special Needs School mula pa noong Pebrero 2 upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
Sa ngayon, naiisip ang pagbubukas sanang muli sa buwang ito, ngunit mas nangingibabaw ang pagpapasyang ipagpatuloy na lamang ang school holidays hanggang sa susunod na buwan. Nangangahulugan lamang ito na magkakaroon ng isa o dalawang araw ng pasok sa isang linggo. Ang mga pampublikong elementarya at junior high school ay kasalukuyang sarado rin, ngunit ang munisipalidad ay magpapasya kung kailan maipagpapatuloy ang pagbubukas ng mga paaralan, at hiniling ng gobyerno ng prefectural na i-extend ang mga school holidays ng mga paaralan para i-pareho nalang sa pagbubukas ng mga high school.
Sa Osaka Prefecture, ang bilang ng mga nahawaang tao ay lumampas na sa 300, kasama na ang pagkamatay ng isang babae sa kanyang 80’s noong ika-2 at 33 naman na mga bagong kaso ang nakumpirma.
Source: ANN News