Outbreak sa Kitakyushu elementary school, tinutukoy pa rin ang pinagmulan
Tungkol sa outbreak ng coronavirus na naganap sa isang elementary school sa Kitakyushu, napag-alaman sa cluster countermeasures group ng Ministry of Health, Labor and Welfare na ang kaso ng hawahan ay maaring nagmula sa isang classroom hanggang sa pagtatapos ng klase. Sa Moritsune Elementary School sa Kitakyushu City, isang group infection na kinabibilangan ng 6 na mga bata na magkakasama sa iisang klase ang naganap.
Sa provisional report na inilabas ng siyudad noong ika-16 ng June,kinumpirma na ang posibilidad na ang mga bata, mula sa pagkakaupo ay umikot at nakihalubilo sa mga kapwa bata nito ng walang pag-iingat, isa pang itinuturong dahilan ay ang posibilidad na maaring nakipaglaro ang mga ito sa kapwa nito bata at sabay sabay na umuwi kaya naganap ang hawahan.
Isinusulong ngayon na nararapat na gumawa ang mga paaralan ng isang sistema kung saan ay may kooperasyon mula sa mga espesyalista tulad ng mga pediatricians at public health centers sa panahon ng isang outbreak sa lugar. Ang Moritsune Elementary School ay gagamit ng mga hakbang upang mapigilan ang kaso ng hawahan sa mga bata tulad ng paglalagay ng mga shield sa upuan at desk ng mga bata simulang ipapatupad sa ika-18 ng buwang ito.
https://youtu.be/-zofM5OsVTs
Source: ANN News