Over 10,000 Metal Theft Cases Push Japan to Enforce Stricter Measures
Dahil sa tumataas na kaso ng pagnanakaw ng mga tansong kable sa mga solar power facility at iba pang mga metal, sinimulan ng National Police Agency ng Japan ang isang serye ng pagpupulong upang palakasin ang regulasyon sa mga negosyong bumibili ng mga metal na ito at ang mga kagamitan na ginagamit sa krimen.
Ayon sa ulat, hanggang Hunyo ngayong taon, naitala ang 4,161 kaso ng pagnanakaw ng tansong kable sa mga solar facility, at mahigit 10,758 kaso ng pagnanakaw ng mga metal na bagay tulad ng mga takip ng imburnal at gripo.
Kasama sa pagpupulong ang mga organisasyon ng pagre-recycle upang mabilis na makabuo ng solusyon sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng pagnanakaw ng metal sa buong bansa, partikular sa rehiyon ng Kanto.
Source: ANN News