Dapat nang maghanda ang mga mamimili sa Japan: mahigit 2,000 pagkain at inumin ang magtataas ng presyo ngayong Hulyo, ayon sa ulat ng Teikoku Databank. Sa isinagawang survey sa 195 lokal na kumpanya, lumabas na 2,105 produkto ang sasailalim sa pagtaas ng presyo — limang beses na mas marami kumpara sa Hulyo ng nakaraang taon.
Pinakamaraming apektado ang mga pampalasa, na may 1,445 item, kabilang ang mga rekado at sabaw. Tataas din ang presyo ng 206 uri ng inuming may alkohol at softdrinks, mga kendi tulad ng tsokolate at chewing gum, at mga processed food gaya ng lutong bigas at pasta sauce.
Ayon sa kompanya, ang pangunahing dahilan ay ang pagtaas ng presyo ng mga hilaw na materyales at mas mataas na gastos sa produksyon. Tinatayang aabot sa higit 18,500 produkto ang magtataas ng presyo bago matapos ang Nobyembre, halos 50% na mas marami kaysa sa kabuuan noong 2024.
Babala ng Teikoku Databank: asahan pa ang pagpapatuloy ng trend na ito dahil sa kawalang-katiyakan sa supply bunsod ng hindi pangkaraniwang kondisyon ng panahon.
Source: NHK